Sa paghulma ng ating bansang Pilipinas, ito ay nakaranas ng mga mabubuti at mahihirap na panahon. Sa mga panahong ito, hindi ito naging madali para sa Pilipinas, ngunit ito ay nakaranas ng kolonisasyon mula sa iba’t ibang bansa. Ang halimbawa ng mga bansang ito ay ang España, Amerika at ang mga Hapon. Mula sa lahat ng mga ito, maraming natutunan ang mga Pilipino dahil naimpluwensyahan sila ng kultura at kaugalian ng mga bansang ito. Bago sila pumunta sa Pilipnas, tila lahat tayo ay hindi pa sibilisado, mula sa kanila ay nakuha natin ang ating relihiyon, uri ng gobyerno, mga kaugalian at marami pang iba. Maaari ngang kailangan natin silang pasalamatan sa lahat ng naibigay nila sa atin, ngunit sa panahong ito, tila’y parang masyado nating iniidolo o pinapasalamatan ang mga ibang bansa. Ito ay nagdudulot ng kolonial na mentalidad sa ating mga Pilipino. Ano ba ang kolonial na mentalidad? Ito ay ang pag-iisip na masmagaling o masmaganda ang kultura ng ibang mga bansa. Ang halimbawa ng mga ito ay ang pagbili o pagpabor ng “branded” o kaya “imported” na kagamitan at hindi mga lokal na gamit mula sa ating bansa. Kung mayroon tayong ganitong pag-iisip, hindi natin pinagmamalaki ang sariling atin na itinuro pa ng ating mga pambansang bayani. Sa madaling salita, lahat ng bagay tungkol sa ibang mga bansa ay masnakakataas sa lahat na nandito sa Pilipinas. Kailangan natin puksain at ikontra ang mentalidad na ito, upang maiwasan natin ito, Sana’y matulungan kayo ng aking anim na panukala upang maiwasan ang kolonial na mentalidad.
Ang una kong paraan ay matuto tayong ipagmalaki ang produktong Pilipino. Pwede tayo bumili o kaya ipakita sa iba ang mga produkto na ito. Isa itong epektibong paraan upang maiwasan ang kolonial na mentalidad dahil makikita natin na mahal natin ang ating bansa at ipinagmamalaki natin kung ano mayroon ang ating bansa. Kadalasan, puro mo mga “imported” na lamang ang ating gustong bilhin, parang paggaling sa ibang bansa ang isang produktong, parang masgumaganda na din ang kalidad nito. Hindi natin tinitignan na ang Pilipinas ay punong puno ng magagandang produkto, ito man ay mga damit, pagkain, kagamitan at iba pa. Sa pagkabulag natin sa mga produkto ng ibang bansa, hindi natin nakikita ang kalidad ng mga produkto ng bansa. Isang halimbawa ng produktong Pilipino ang mga sapatos na galing sa Marikina. Kung tutuusin, ang kalidad ng mga sapatos na ito ay napakaganda dahil ang mga manggagawa nito ay napakasipag, hindi natin nakikita kung gaano kaganda ang mga sapatos na ito at ang pagkakapareho ng itsura o desenyo sa mga “imported” na sapatos. Hindi din natin nakikita na mayroong din mga ibang bansa na namamangha sa ating mga produkto, mga damit, kagamitan para sa bahay, teknolohiya at iba pa. Buti pa ang ibang mga bansa ay nakikita ang kalidad ng ating mga produkto, sana’y tayo din ay matutong tignan at mahalin ang produktong Pilipino dahil ito ay napakaespesyal at napakaganda. Kailangan natin bigyang pansin ang mga produktong para hindi natin makalimutan kung saan tayo nanggaling.
Kung gusto niyong malaman ang iba’t ibang produktong Pilipino ay maaari niyong bisitahin ang link na ito.
http://www.manilatrade.com/top-10-philippine-exports-for-small-to-medium-scale-businesses/
Ang pangalawang panukala na maaari nating gawin ay tulungan ang kabataan upang tingkalakin ang kulturang Pilipino. Sabi nga ni Jose Rizal na ang kabatan ang kinabukasan ng bayan, kaya makakatulong kung magsisimula sa kanila ang pagmahal sa sariling atin dahil maipapasa nila ito sa mga susunod na henerasyon. Ngayon, ang mga kabataan din ang kadalasang mayroong kolonial na mentalidad dahil namulat na sila sa kultura ng ibang mga bansa at hindi na nila binibigyang halaga ang sarili nating kultura. Kadalasan, gusto nila maging sosyal o kaya sinusunod nila kung ano ang uso sa ibang mga bansa. Gusto nila na magkaroon ng magagandang damit at ginagaya nila ang nakikita nila tungkol sa ibang bansa. Ngunit napakakunti lamang ang sumusunod sa kultura ng ating bansa. Hindi nila nakikita ang lawak at kagandahan nito. Dapat tayo magtulungan upang matulungan ang kabataan para makita nila ang kahulugan ng ating kultura. Ang isa pang paraan upang magawa ito ay sa paraan ng edukasyon dahil dito matututunan ng mga kabataan ang ating kultura. Makakatulong ang edukasyon dahil dito magsisimula ang pagkamulat nila sa kulturang Pilipino.
Makikita natin sa video na ito kung paano matutulungan ng edukasyon at iba pang pagtatanghal upang matutunan ng mga kabataan ang sarili nilang kultura.
Pangatlo, kailangan natin makita ang kagandahan ng ating bansa, kailangan natin bigyang pansin ang kapaligiran nito. Ang bansa ay puno ng magagandang tanawin, ngunit hindi natin ito kadalasang napapansin, gusto natin parating lumabas ng bansa at bisitahin ang mga ibang lugar kagaya ng Amerika, Europa at iba pa. Hindi na natin masyadong binibigyang pansin ang sariling atin katulad ng mga kilalang puntahan ng mga turista katulad ng Boracay, Palawan, Puerto Princesa at marami pang iba. Kung ang mga ibang turista nga’y hangang hanga sa mga lugar na ito, bakit hindi natin ito makita? Tayo nga dapat ang mga taong higit na humanga sa mga ito, pero gigil na gigil tayo pumunta sa ibang bansa ngunit lahat naman ng makikita natin sa ibang lugar ay mayroon ang Pilipinas. Sana masdalasan natin ang pagpunta sa mga lugar dito sa Pilipinas upang makita natin kung gaano ito kaganda. Hindi naman masama ang pagpunta sa ibang bansa ngunit, sana’y tignan na muna natin ang kagandahan ng ating bansa bago hangaan natin ang iba.
Kung gusto niyong makita ang kagandahan ng Pilipinas, maaari niyong basahin ang link na ito.
http://www.touropia.com/tourist-attractions-in-the-philippines/
Ang apat na panukala ko ay masdalasan natin ang pagsasalita ng wikang Pilipino. Ito ay isa sa mga napakadaling gawin para sa ating mga Pilipino upang maipakita ang ating pagiging makabayan, ngunit kadalasan masbinibigyan nating halaga ang mga wika katulad ng Ingles. Iniisip ng mga Pilipino na ang wikang Amerikano ay mashigit na importante sa ating sariling wika. Iniisip nila na pagmarunong magsakita ng ingles ang isang tao ay masnagiging mataas siya sa iba. Ngunit saan ba tayo nakatira? Pilipinas ang ating bansa at kailangan buong pagmamalaki nating bibigkasin ang ating wika dahil ito ang nagsisimbolo sa atin. Kung hindi tayo nagdasal its ng wikang Pilipino, pinapakita natin na hindi natin pinagmamalaki ang pagiging Pilipino. Kailangan nating gamitin ang ating wika dahil ito ang nagsisimbolo ng ating pagkakaisa at pagkakapantay. Sa bawat araw ng ating buhay, kailangang taas noo tayo magsalita ng wikang Pilipino.
Upang malaman ninyo ang symbolismo ng ating wika, basahin niyo ang link na ito.
http://www.uefap.com/reading/exercise/ess2/hayakawa.htm
Panglima, kung maaari ay gawin natin at sumali tayo sa kultura ng Pilipinas. Halimbawa, pwede natin gayahin ang kultura ng Pilipinas sa panliligaw, pwede tayo mangharana o kaya mamanhikan. Pwede din tayo dumalo sa mga piesta, kung saan sama sama tayong nagsasaya. Maaari tayo pumunta sa Sinulog Festival, Ati Atihan Festival at marami pang iba. Makakatulong ito upang puksain ang kolonial na mentalidad dahil malalaman natin ang kultura ng ating bansa, at kasabay nito ay sumasali din tayo sa makabuluhang gawain na ito. Matututunan din natin sa pagdalo ng mga fiesta ang kultura ng mga Pilipino, na talagang napakaseryoso ang mga Pilipino upang maisagawa ang fiesta. Malalaman natin kung gaano kalakas ang paniniwala ng mga Pinoy sa mga festival na ito. Ito ay isang ding simbolo ng pagkakaisa nating lahat dahil nagkakaisa tayo sa isang layunin na magpakasaya at magsalo-salo. Pwede din tayo maglaro ng larong Pilipino katulad ng patintero, tumbang preso, agawan base at iba pa. Sa pamamagitan nito makikita natin Kung gaano kasaya at kasimple ang larong Pilipino. Tulungan natin ang ating sarili at lumabas ng ating mga bahay upang makita natin kung gaano kalago at kalawak ang kultura ng ating bansa sa pamamagitan ng paggawa ng mga Ito.
Upang masmakita natin ang kulturang Pilipino, maaari niyong basahin ang link na Ito.
http://ang-kulturang-pilipino.blogspot.com/
At huli, kailangan magsimula sa atin ang pagbabago. Upang mapuksa ang kolonial na mentalidad, kailangan natin simulan iyon sa ating sarili dahil pagnagawa natin iyon maaari na din natin impluensyahan ang iba. Katulad ng katagang nagsasabing “Ikaw ang simula ng Pagbabago” na itinatampok din sa balita. Ibig sabihin nito ay kaya natin lahat magbago basta’t ikaw mismo ay magbabago din. Makakatulong ito upang ikontra a kolonial na mentalidad dahil pwede tayong mag tulong tulong upang mahalin ang ating bansa. Sabi nga nila, na lahat ay nagsisimula sa maliliit na bagay, at sa sitwasyong ito, sa sarili mo nagsisimula ang maliit na pagbabago na unti-unting lalaki at dadami hanggang sa lahat ng mga Pilipino ay magkaisa. Kung lahat ay hindi sumasangayon sa iyo, lagi ka lang manindigan sa iyong paniniwala na kailangan nating bigyang pansin ang ating kultura at huwag tignan ng masnakakataas ang mga ibang bansa. Lagi lang tayo maniwala sa ating sarili at huwag sumuko sa ating kagustuhan lalo na kung ito ay para sa tama.
Upang masmaintindihan kung paano ang pagsisimula sa ating sarili ay makakatulong sa pagbabago, basahin ang link na ito.
https://julieveyga.wordpress.com/2011/10/09/ako-ang-simula-kapangyarihan-ng-tunay-na-pagbabago/
Higit na masmari pa tayong magagawa upang maikontra ang kolonial na mentalidad. Alam ko na magagawa natin na magbago basta’t magtulungan lang tayo bilang isang bansa. Hindi naman masama na idolohin ang ibang mga bansa, ngunit, tandaan natin na ang sarili nating bansa ay parating mananaig dahil dito tayo nagmula at dito tayo namumuhay. Sana’y nakatulong ito upang makapagbago tayong lahat. Sundin niyo lang ang mga ito at malaki na ang matutulong nito sa inyong pag-iisip.